Sa una lang masaya.
Sa una lang nakakaexcite.
Sa una lang nakakakilig.
Sa una lang ang FOREVER.
Ang mundo ay magulo at mapaglinlang.
Ang mga single gusto maging taken.
Ang mga taken gustong makawala.
May mga tao namang di marunong makuntento.
O sadyang ganoon talaga sa mundo ko.
Akala ko noon siya na.
Siya na yung makakasama ko sa pagtanda.
Siya na yung FOREVER na sinasabi ng iba.
Bakit ko ba nasabi?
Masaya naman talaga sa relasyon.
Nakakaexcite bawat araw.
Nakakilig ang mga banatan, yung tipong kita na gilagid mo.
Pero yun ba ang basehan ng FOREVER? ASA.
May mga pagsubok na dumaan.
Todo saya kasi nalagpasan niyong dalawa.
May dumating pang isa. Mas mabigat.
Yung iba hanggang diyan lang tapos na. Di na kinaya.
Okay, nalagpasan niyo ulit. Galing!
Masaya ka parin ba? Hindi ba nakakapagod?
Nilevel-up niyo ang relasyon.
Wow exciting! Napakasaya! FOREVER parin ba?
Hindi naman yun ang basehan ng FOREVER.
Yung dami nang napagdaanan niyong pagsubok.
O yung paglelevel-up sa relasyon.
Ano ba talaga ang FOREVER?
Nakakain ba yan?
Nawowork-out?
O nababasa lang sa novels?
at napapanuod sa TV o Movies?
Ito ba yung FOREVER na kanta ni Martin at Regine?
Ito ba yung FOREVERmore ng Side A?
O FOREVER ng TomDen?
Baka naman ALONE na lang ang FOREVER?
Nasusukat ba ang FOREVER?
Hindi siguro. Sa iba nga yung FOREVER nila 1 week.
Yung iba 2 years, matagal na yung 8 years.
Baka naman tayo lang ang gumagawa ng FOREVER natin.
Iba-iba tayo ng tinitingnang FOREVER sa buhay.
Yung iba naman nasaktan na pero siya parin ang FOREVER.
Mayroon naman na FOREVER niya yung pag asa niyang magiging sila.
Pero may mga taong mapalad na nahanap ang FOREVER nila.
Nakakapagod isipin na hindi pala siya yung FOREVER.
Yung pinangarap mo noong FOREVER naging POOREVER.
Yung hindi ka makawala sa isang relasyong magulo at walang kasiguraduhan.
Nakakaingit yung iba na hanggang sa huling hantungan ay FOREVER ang pagmamahal.
Bakit ba ganun? Totoo bang may FOREVER sa relasyon?
Hanggat hindi tunay ang pagmamahalan ninyo.
Hindi mo malalaman ang tunay ibig sabihin ng salitang FOREVER sa buhay mo.
Basta ang alam ko, God's Love lang ang FOREVER.
Friday, September 19, 2014
Subscribe to:
Posts (Atom)