Showing posts with label Love. Show all posts
Showing posts with label Love. Show all posts

Friday, January 9, 2015

Damdamin (01/10/15)

Sa aking mahal,

Isang buwan, ang haba narin ng panahon na hindi tayo nagkibuan. Sa panahong iyon ni hindi naalis sa isip at puso ko ang mga alala na masaya tayo na nagmamahalan. Bat ganito ang pag ibig satin? Bat ganito. Ang sakit :'( 

Masakit. Patuloy na sumasakit ang puso ko, kahit ako man ang umalis nasasaktan rin ako. Hindi ko man ipakita pero mukhang hindi ko kakayanin na mawala ka sa buhay ko. Mahal pa rin kita, hindi madaling maaalis yun. Sobra akong naiingit sa mga sweet couples na nakikita ko sa social media, na alam mong legal sila sa family nila, full of surprises, walang bumabatikos. Iyong ang mga bagay na gusto ko satin na hindi ko magawa. Nanglulumo ako sobra. Ang sakit sa puso, sumisikip ang dibdib ko. May mga bagay lang muna akong kailangang gawin bago tayo magsama ulit. Pasensya na sa mga nasabi kong masasakit para lang layuan mo ko. Sa mga nagawa kong hindi dapat. Maiintindihan mo rin ako balang araw. Dito ko na lang ipaparating dahil wala naman akong mapagkwentuhan nito. Pakitang tao ako sa fb, twitter at ig na masaya ako pero deep inside, patuloy akong nasasaktan. Hanggad ko lang na sana wala ka pang nahahanap na iba sa panahon na bumalik ako.


Nagmamahal,
Jhon (01/10/2015)

Friday, September 19, 2014

Totoo bang may FOREVER sa relasyon?

Sa una lang masaya.
Sa una lang nakakaexcite.
Sa una lang nakakakilig.
Sa una lang ang FOREVER.

Ang mundo ay magulo at mapaglinlang.
Ang mga single gusto maging taken.
Ang mga taken gustong makawala.
May mga tao namang di marunong makuntento.

O sadyang ganoon talaga sa mundo ko.
Akala ko noon siya na.
Siya na yung makakasama ko sa pagtanda.
Siya na yung FOREVER na sinasabi ng iba.

Bakit ko ba nasabi?
Masaya naman talaga sa relasyon.
Nakakaexcite bawat araw.
Nakakilig ang mga banatan, yung tipong kita na gilagid mo.
Pero yun ba ang basehan ng FOREVER? ASA.

May mga pagsubok na dumaan.
Todo saya kasi nalagpasan niyong dalawa.
May dumating pang isa. Mas mabigat.
Yung iba hanggang diyan lang tapos na. Di na kinaya.

Okay, nalagpasan niyo ulit. Galing!
Masaya ka parin ba? Hindi ba nakakapagod?
Nilevel-up niyo ang relasyon.
Wow exciting! Napakasaya! FOREVER parin ba?

Hindi naman yun ang basehan ng FOREVER.
Yung dami nang napagdaanan niyong pagsubok.
O yung paglelevel-up sa relasyon.
Ano ba talaga ang FOREVER?

Nakakain ba yan?
Nawowork-out?
O nababasa lang sa novels?
at napapanuod sa TV o Movies?

Ito ba yung FOREVER na kanta ni Martin at Regine?
Ito ba yung FOREVERmore ng Side A?
O FOREVER ng TomDen?
Baka naman ALONE na lang ang FOREVER?

Nasusukat ba ang FOREVER?
Hindi siguro. Sa iba nga yung FOREVER nila 1 week.
Yung iba 2 years, matagal na yung 8 years.
Baka naman tayo lang ang gumagawa ng FOREVER natin.

Iba-iba tayo ng tinitingnang FOREVER sa buhay.
Yung iba naman nasaktan na pero siya parin ang FOREVER.
Mayroon naman na FOREVER niya yung pag asa niyang magiging sila.
Pero may mga taong mapalad na nahanap ang FOREVER nila.

Nakakapagod isipin na hindi pala siya yung FOREVER.
Yung pinangarap mo noong FOREVER naging POOREVER.
Yung hindi ka makawala sa isang relasyong magulo at walang kasiguraduhan.
Nakakaingit yung iba na hanggang sa huling hantungan ay FOREVER ang pagmamahal.

Bakit ba ganun? Totoo bang may FOREVER sa relasyon?
Hanggat hindi tunay ang pagmamahalan ninyo.
Hindi mo malalaman ang tunay ibig sabihin ng salitang FOREVER sa buhay mo.
Basta ang alam ko, God's Love lang ang FOREVER.

Sunday, July 13, 2014

Tsinelas: Story of Jonathan


“Kung ano/sino ka ngayon sa kasalukuyan, yun ay dahil sa nakaraan. Ang mga ginawa at pinagdesisyunan mo ay nakaapekto kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan”.

"Paunahan tayo ah? isa, dalawa, tatlo ! (Woooh)", nag-uunahang abutin ng tatlong bulinggit ang reyna sa loob ng malawak at mainit na kweba. Di pa man nakakaabot ang lahat ay isa na lang ang natira.  

"Salamat at nakaligtas ako sa piligro, Hi ako pala si athan, ikaw?" - Sperm Cell
 "Ako si Jon, ang bubuo sa iyong pagkatao. Tara magsanib pwersa na tayo" - Egg Cell